Asahan na ang pagdami ng mga negosyong magbubukas sa Makati City.
Kasunod ito nang inilunsad na safety seal certification program na pinangunahan ni Makati City Mayor Abby Binay at ilang negosyante sa lungsod.
Sa pamamagitan ng safety seal certification madadagdagan ang bilang ng mga customer na uubrang makapasok sa mga establishment.
Ang saety seal certification ay patunay nang pagsunod ng mga establishment sa ipinatutupad na minimum public health standards kaugnay sa COVID-19 pandemic.