Isinisi ng labor group na Pepsi Cola Workers Association sa labor contractualization o ‘end of contract’ ang pagdami ng mga tambay sa gitna ng implementasyon ng anti-tambay campaign ng Philippine National Police.
Ayon kay Pepsi Cola Workers Association Vice President Ricardo Gandalla, sa halip na hulihin ay dapat bigyan ng trabaho ang mga tambay sa kalsada.
Nanawagan naman si Ed Cubelo, chairman ng Kilusyong Mayo Uno-Metro Manila kay Pangulong Rodrigo Duterte na dapat na nitong tuparin ang pangakong tapusin ang labor-only contracting kaysa pagtuunan ng pansin ang mga tambay.
Kung hindi aniya sosolusyonan problema sa ‘endo’ ay lalong darami ang mga walang trabaho na tiyak na magpapakalat-kalat sa kalsada na maaaring gumawa ng iba’t ibang krimen.