Patuloy na dumadami ang mga lugar sa bansa na nakapagtatala ng maituturing na dangerous heat index sa kabila ng naranasang pag ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, naitala ang pinakamataas na heat index sa Guiuan, Eastern Samar na pumapalo sa 50. 8 degrees Celsius alas onse ng umaga kahapon.
Kabilang pa sa nakapagtala ng mataas na heat index ang Alabat, Quezon – 41. 7 degrees Celsius, Ambulong, Batangas – 46.2 degrees Celsius, Casiguran, Aurora – 41.2 degrees Celsius, Cotabato City, Maguindanao – 42 degrees Celsius, Cubi Point, Subic Bay, Olongapo City – 42 degrees Celsius, Cuyo, Palawan – 43.1 degrees Celsius, Daet, Camarines Norte – 41 degrees Celsius, Dagupan City, Pangasinan – 45.3 degrees Celsius, Dipolog, Zamboanga del Norte – 42.3 degrees Celsius.
Bukod pa ito sa el Salvador City, Misamis Oriental – 42. 8 degrees Celsius, Iba, Zambales – 42 degrees Celsius, Masbate City, Masbate – 41. 2 degrees Celsius, NAIA, Pasay City – 42. 4 degrees Celsius, Roxas City, Capiz – 45. 1 degrees Celsius, San Jose City, Occidental Mindoro – 42. 6 degrees Celsius, Sangley Point, Cavite – 44.3 degrees Celsius at Tuguegarao City, Cagayan – 41.9 degrees Celsius.
Ang heat index ay init na nararamdaman ng katawan ng tao na kadalasang mas mataas sa air temperature.
Kasabay nito nagbabala muli ang PAGASA laban sa heat stroke na posibleng maranasan dahil sa matinding init ng panahon.