Aminado ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na walang magagawa ang pamayanan sa ngayon kundi panoorin ang mala-sarsuela at tila moro morong kampanya laban sa mga sangkot sa illegal drugs.
Ayon kay Boy Evangelista, Spokesman ng VACC, halos 200 porsyento ang iniakyat ng bilang ng mga nahuhuli at napapatay na drug dealers.
May nasapol naman anyang malaking drug lord sa Cebu, subalit tila agad na pinatay ng pulisya ang balita hinggil dito at hindi man lang ipinagbigay alam sa sambayanan kung gaano kalaking drug lord ang kanilang napatay.
Nagpayahag na lamang ng pagasa si Evangelista na maisasaayos ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa illegal drugs sa sandaling maupo na si incoming President Rodrigo Duterte dahil maging siya anya ay nagulat sa pagdami ng napapatay na drug dealers.
Bahagi ng pahayag ni Boy Evangelista, VACC Spokesman
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas