Pinabubusisi ng isang senador ang umano’y pamamayagpag ng loan sharks at iba pang online lending schemes.
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, vice chairperson ng Senate Committee on Banks, ang gawaing ito ng ilang kompanya ay hindi saklaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Securities and Exchange Commission (SEC).
Pagbubunyag ni Gatchalian, dahil sa sinasabing marahas na pamamaraan ng paniningil ng ilang lending firms ay may mga napabalitang nag-suicide at marami ring nakararanas ng death threats.
Dahil dito, ibinabala ng senador na dapat marunong kumilatis ang mga consumers at magdalawang-isip lalo na kung kaduda-duda ang pamamaraan ng pagpapautang ng isang kompanya.