Pinangangambahan ngayong panahon ng tag-init ang pagdami ng pesteng cocolisap.
Ayon sa PCA o Philippine Coconut Authority, karaniwan kasing tumataas ang bilang ng mga tanim na niyog na naaapektuhan ng cocolisap dahil sa mainit na panahon.
Iginiit ng PCA, bagamat gumagawa sila ng hakbang sa pag-aalis sa mga ito ay wala naman anilang isandaang porsyentong katiyakan na tuluyan nang maiaalis ang mga pesteng ito.
Sa ngayon, umaasa ang ahensya sa pagtatanggal lamang ng mga dahon na naapektuhan ng cocolisap at trunk injection upang mapigilan ang pagdami nito.
Matatandaang kabilang sa mga matinding tinamaan ng cocolisap ang mga lalawigan ng Albay, Quezon at Basilan.
By Ralph Obina