Higit pang nabahala ang mga obispo sa inaasahang pag-akyat pa ng bilang ng mga biktima ng summary executions.
Kasunod ito nang paghingi ng Pangulong Rodrigo Duterte ng dagdag na anim na buwan sa kampanya kontra illegal drugs.
Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, inaaasahan na nila ang mas lalo pang paglobo ng bilang ng mga napapatay dahil sa iligal na droga.
Sinabi naman ni Manila Auxilliary Bishop Broderick Pabillo na dapat pagtuunan ng gobyerno ang rehabilitation at paigtingin pa ang kampanya kontra kahirapan kaysa illegal drugs.
By Judith Larino
Photo Credit: cbcpforlife.com