Resulta ng ‘Build Build Build’ program ng pamahalaan ang pagdami ng trabaho ngayong taon.
Tinukoy ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ang labor force survey ng Philippine Statistics Office (PSO) kung saan naitala ang mahigit sa walong daang libong (800,000) dagdag na trabaho ngayong taon.
Batay rin sa survey, tumaas ng dalawang porsyento ang bilang ng mga Pinoy na may trabaho ngayong taon o mahigit sa apatnapung (40) milyong Pilipino.
Naitala rin sa survey ang mahigit sa apat na raang libong (400,000) manggagawa na naging regular sa kanilang trabaho kung saan pitumpung (70) porsyento rito ang boluntaryong iniregular ng kanilang employers.
Gayunman, lumabas sa survey ng tumaas ng tatlo at kalahating porsyento ang bilang ng underemployment o halos pitong (7) milyong Pilipino kumpara noong nakaraang taon.
Underemployed ang taguri sa mga empleyado na naghahanap pa rin ng ibang mapagkakakitaan o kaya ay gumaganap ng trabaho na walang kaugnayan sa kanyang tinapos na kurso sa kolehiyo.
—-