Mas maayos na Peace and Order situation sa Metro Manila.
Ito’y ayon kay NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar na isa sa mga dahilan kaya’t dumami ang mga turista sa kalakhang Maynila na pumapalo na sa halos 40-M sa unang walong (8) buwan ng taong ito.
Ibinida ni Eleazar sa press briefing ng Philippne Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang pagami ng mga turista sa Metro Manila matapos bumaba ng halos 60% ang crime volume simula nuong 2016.
Kasabay nito, hinimok ni Eleazar ang domestic at foreign tourists na makiisa sa tourism activities sa Metro Manila.