Hinarang ng mga otoridad sa Thailand ang pagdaong sana sa Bangkok ng cruise ship na may sakay na 2,000 pasahero dahil sa banta ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Sa kabila ito nang pagtiyak ng carnival cruise na ligtas ang lahat ng kanilang mga pasahero at crew at walang dahilan para maalarma ang Thailand.
Hindi nagbigay ng permiso ang public health ministry office ng Thailand para makababa ng Bangkok ang mahigit 1,000 guests at 800 crew members ng MS Westerdam.
Ang nasabing cruise ship na nagsimulang maglayag noong February 1 galing sa Hong Kong, ay una nang hindi pinadaong sa Japan, Pilipinas at Guam.