Dapat magdagdag ang gobyerno ng cold storage bilang isa sa mga solusyon sa supply shortage at upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng agricultural products.
Ayon kay dating Agriculture secretary at Federation of Free Farmers chairman Leonardo Montemayor, malaking tulong sa mga magsasaka ang mas maraming cold storage.
Kung hindi anya paborable sa mga magsasaka ang presyo ng kanilang mga produkto, tulad ng sibuyas, maaari nilang ilagak ang mga ito sa mga nasabing pasilidad habang hinihintay gumanda ang presyo.
Bukod dito, iminungkahi rin ni Montemayor na pautangin ng gobyerno ang mga farmer habang naka-tengga sa mga storage ang kanilang produkto.