Isusulong ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pagpapatayo pa ng maraming state universities and colleges sa mga lalawigan sakaling manalo bilang pangulo sa 2022 elections.
Ito’y upang mas mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang pilipino na makapag-aral.
Ayon kay Marcos, kailangang i-prayoridad ang edukasyon at ang pagpapatayo ng dagdag na mga paaralan ay makatutulong upang mapaghusay ang kakayahan, kagalingan at kaalaman ng mga estudyante.
Magbibigay-oportunidad din anya ito sa mga mahihirap na pamilya upang mapag-aral ang kanilang mga anak nang hindi inaalala ang tumataas na matrikula.
Sa kasalukuyan ay mayroong 112 main campuses lamang ang mga SUC Sa Pilipinas na may kabuuang 421 satellite campuses.