Tiyak na masisira lamang ang mga nilalaman hinggil sa simbulo ng kasaysayan kung daragdagan pa ng isa ang kasalukuyang walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas.
Iyan ang binigyang diin sa DWIZ ng historyador na si Dr. Michael Xiao Chua ng De La Salle University nang tangin hinggil sa isinusulong na panukala sa Senado na gawing siyam ang sinag ng araw sa watawat para kilalanin ang mga bayaning Moro sa Mindanao.
Giit ni Chua, dapat maging patas ang mga mababatas sa paglikha o pagbalangkas ng batas na magbibigay pagkilala sa ambag ng bawat Pilipino saanmang panig ng bansa sila naruon kung iyon ang nais ng Senador.
Ipinaliwanag din ni Dr. Chua ang maling pang-unawa sa tunay na pakahulugan ng walong sinag ng araw sa watawat na kalimita’y hindi alam ng nakararami.
Binigyang diin din ni Dr. Xiao Chua na may mga datos at dokumento na inilabas si Heneral Emilio Aguinaldo hinggil sa simbolismo sa watawat na kumikilala na sa mga Moro.