Isinusulong ng Armed Forces of the Philippines ang pagdaraos ng National Day of Mourning o Araw ng Pagluluksa.
Ayon sa liderato ng AFP, bilang pag-alala at pakikidalamhati ito sa mga sundalong pinatay umano ng New People’s Army.
Kasabay nito, hindi naitago ni AFP Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla ang pagkalungkot matapos mabalitaan ang malagim na paraan ng pananambang at pagpaslang.
Dahil dito, sinabi ni Padilla na balik sa unang baitang ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng CPP-NPA-NDF.
By: Avee Devierte / Allan Francisco