Ibinaba ng Korte Suprema sa 2 araw ang pagdaraos ng Bar Examination ngayong Enero.
Isasagawa ang bar exams sa Enero 23 at 25 sa harap ng pangamba ng examinees at ng proctors kaugnay ng banta ng Omicron variant at kaugnay ng naging pinsala ng bagyong Odette.
Kaugnay dito, binawasan rin mula sa 8 subjects ay ginawa na lamang ito ng Supreme Court sa 4.
Samantala, pinapayuhan naman ang Bar examinees na mag- self-quarantine sa Enero 9, dalawang linggo mula sa araw ng mismong pagsusulit.
Nilinaw naman ng Korte Suprema na isinulong pa rin nila ang pagdaraos ng bar exams para matugunan ang demand sa bilang ng mga abogado. —sa panulat ni Mara Valle