Kumpirmado nang idaraos sa Mayo 9 ang halalan sa South Korea matapos mapatalsik sa pwesto si Park Geun-Hye dahil sa corruption scandal.
Inihayag ito mismo ni Kim Yong-Deok, chairman ng NEC o National Election Commission sa isang televised speech.
Tiniyak ng NEC na magiging patas ang eleksyon kung saan pipili na ng magiging successor kay Park.
Hinimok rin ni Kim na makibahagi ang publiko sa naturang halalan.
By Meann Tanbio