Posible nang makapagsagawa ng face-to-face graduation gayong nagpapatuloy ang in-person classes ng halos 13,000 paaralan sa buong bansa.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang guidelines na itinakda para sa face-to-face classes ay ipatutupad din sa pisikal na pagdaraos ng graduation ceremonies sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Aniya, mahalagang limitado lamang ang bilang ng mga manonood at nasusunod ang health at safety protocols.
Sinabi pa ni Briones na sa ngayon ay nasa 22,000 mga paaralan sa bansa ang nominado na lumahok sa pagsasagawa ng face-to-face classes.