Magpapatuloy ang pagdaraos ng National Vaccination Days sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Ito’y ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung saan binigyang diin nito na maganda ang naging resulta ng ikinasang ”Bayanihan, Bakunahan” ng pamahalaan.
Paliwanag ng opisyal, nakatulong ang programa upang mapataas ang bilang ng mga nabakunahan kontra COVID-19.
Sinabi pa ni Vergeire na dapat na pagtuunang-pansin ng pamahalaan ang pagkakaroon ng long term solution sa pagpapataas ng vaccination rate, gayundin ang pagkakaroon ng iba pang estratehiya upang mahikayat ang mga Pilipino na magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Batay sa datos hanggang nitong Hunyo 28, sinabi ng DOH na mahigit 70 milyong indibidwal na ang bakunado laban sa COVID-19.