Wala nang atrasan ang pagdaraos ng Rio Olympics sa Brazil.
Ito ay sa kabila ng outbreak ng zika virus sa naturang bansa.
Ayon sa mga otoridad hindi naman mapanganib para sa mga atleta at manonood ng laban ang zika virus maliban sa mga buntis.
Una rito, idineklara na ng World Health Organization (WHO) ang global emergency dahil sa zika.
Sa Brazil pa lamang, papalo na sa 4,000 ang naitatalang kaso ng zika mula noong Oktubre ng nakaraang taon.
By Ralph Obina