Mapayapang natapos ang 9 na araw na simbang gabi sa buong bansa.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Chief Inspector Kimberly Gonzales, walang naitalang anumang insidente sa pagdaraos ng Simbang Gabi.
Dahil dito, susunod namang tututukan ng PNP ang Bagong Taon.
Mahigpit naman ang babala ng liderato ng PNP sa kanilang mga tauhan na masasangkot sa indiscriminate firing.
By Ralph Obina