Naging pangkalahatang mapayapa ang pagdaraos ng traslacion ng Itim na Nazareno.
Tumagal ng 22 oras ang traslacion na nagsimula alas-5:00 ng madaling araw kahapon.
Batay sa tala ng Manila Police District o MPD, nasa 6.3 milyong deboto ang dumagsa at nakilahok sa traslacion.
Dahil dito, pinasalamatan ni MPD Chief Joel Coronel ang mga ahensya ng pamahalaan na nakipagtulungan para sa matagumpay na pagdaraos ng traslacion.
Kabilang sa mga pinasalamatan ni Coronel ang lokal na pamahalaan ng Maynila, Philippine Red Cross o PRC, Department of Health o DOH, Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office at iba pa.
(Ulat ni Gilbert Perdez)