Naghahanda na ang Department Of Transportation (DOTr) sa posibleng pagdami ng mga byaherong papasok sa bansa ngayong Christmas season sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay DOTr Undersecretary Raul Del Rosario, tinaasan na nila ang arrival capacity sa NAIA at iba pang paliparan sa bansa.
Sa NAIA ngayon ay mayroon nang arrival capacity na 5k kada araw at ito rin umano ay dahil sa kahilingan ng iba’t ibang airlines na magdagdag ng flight.
Magugunitang noong Oktubre, nilimitahan sa 4K-2K at limang daan ang pagdating ng mga pasahero sa naia para maiwasan ang pagkakaroon ng mga stranded na mga byahero dahil sa limitadong COVID-19 testing at matagal na paglabas ng resulta nito.