Nag-uusap na ang Pilipinas at India para sa dagdag suplay na walong milyong doses ng bakunang kontra COVID-19 na Covaxin mula sa India.
Ayon kay Indian Ambassador Shambhu Kumaran, nabinbin pa rin ang pagpaparehistro para sa emergency use sa Food and Drug Administration o FDA.
Dagdag ni Kumaran, nakadepende pa kung kailang maaayos ang pagproseso ng kontrata para sa mga bakunang dadalhin sa Pilipinas.
Nagmula ang Covaxin sa Bharat BionTech na may efficacy rate na 81%.
Samantala, Enero pa lamang ay nakapag-apply na ang Bharat Biontech ng Emergency Use Authorization para sa kanilang Covaxin.— sa panulat ni Rashid Locsin