Hindi pa tiyak ang petsa ng pagdating ng higit sa 3 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawang AstraZeneca na magmumula naman sa Covax Facility.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang pagkaka-udlot ng pagdating ng mga bakuna ay dahil global supply shortage ng mga ito.
Dagdag pa ni Galvez, batid nila ang pagkaka-delay ng mga bakuna dahil sa kinakaharap na hamon ng Covax Facility hinggil sa pagsusuplay nito ng mga bakuna.
Pero umaasa si Galvez, na sa unang quarter ng taon ay matatanggap na ng bansa ang mga ito.
Nauna rito, nakatakda sanang dumating sa bansa ang higit sa kalahating milyong doses ng bakunang gawa ng AstraZeneca ngayong araw.
Mababatid naman na ginawaran ng emergency use authorization (EUA) ang bakunang gawa ng AstraZeneca noong 28 ng Enero.