Personal na sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bakunang donasyon ng bansang Japan.
Aabot sa 1 milyong doses ng Astrazeneca vaccine ang dumating sa bansa kagabi.
Dahil dito, nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Duterte sa gobyerno ng Japan dahil sa donasyon nito at sa maraming tulong ng nasabing bansa lalo na nakararanas ng pandemya ang ilang parte ng mundo.
“I expressed my heart warm gratitude to Japan for all the assistance you extend to our country during this challenging times by providing cold-chain transport an ancillaries you have enabled us to ensure safe and efficient transport of this vaccines and preserve its quality and integrity.” Pahayag ni Pangulong Duterte.
Samantala, hinimok ni Duterte ang publiko na magpabakuna na kontra COVID-19.
“To my fellow Filipinos please know that you are remain committed to acquiring an efficient and safe supply of COVID-19 Vaccines for all our countrymen, I therefore urged everyone to get vaccinated it help prevent the further spread of the virus.” Pahayag ng Pangulo.