Nanganganib maudlot ang pagdating ng mga bagong bagon at tren ng MRT sa susunod na buwan.
Ito’y bunsod ng nakabinbing kaso na inihain ng private owner ng MRT-3 upang pigilin ang procurement ng mga bagong bagon at tren mula China.
Ayon sa MRT Holdings Incorporated 2 o MRTH, nais nilang matiyak na compatible at ligtas gamitin ang mga bagon at tren para sa MRT-3 system.
Bagaman, hinimok ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang MRTH na iatras ang kaso, nanindigan ang kumpanya na gagawin lamang nila ito kung papayagan sila ng kagawaran na inspeksyunin ang mga bagon at tren na darating simula Agosto.
Iginiit ng MRTH hindi sila kinonsulta ng DOTC sa pag-procure ng mga light rail vehicle sa Chinese firm na Dalian Locomotive.
By Drew Nacino