Posibleng mapaaga pa ang pagdating sa bansa ng mga bibilhing bakuna ng pamahalaan kontra COVID-19.
Ayon kay Food and Drug Administrator Eric Domingo, inaasahang sa unang quarter ng susunod na taon ay mapasakamay na ng Pilipinas ang mga nasabing bakuna.
Mas maaga aniya ito kumpara sa nauna nilang target na ikalawa hanggang ikatlong quarter ng susunod na taon.
Paliwanag ni Domingo, mangyayari lamang ito sa sandaling aprubahan na sa ibang bansa ang emergency use authority upang mapabilis ang evaluation process para sa Pilipinas.
Magugunitang kapwa nagpahayag ng mataas na effectivity rate ang mga bakuna ng Moderna at Pfizer kung saan, balak ng mga ito na humingi ng emergency use approval mula sa gobyerno ng Estados Unidos.