Handang-handa na ang pamahalaan na tanggapin ang mga darating na bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Ito ang inihayag ni senate committee on health chairman Christopher Lawrence “Bong” Go kasunod ng nakatakdang pagdating ng bakunang Sinovac mula China ngayong araw.
Sa panayam ng DWIZ kay Sen. Go, sinabi nito na excited na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdating ng mga bakuna dahil ito aniya ang susi upang magbalik na sa normal ang pamumuhay ng mga Pilipino.
More education campaign, more dissemination, ipaalam natin sa taong bayan na ang tanging bakuna lamang ang susi para makabalik tayo unti-unti sa normal nating pamumuhay. Only solution dito sa problema natin itong bakuna. Ngayon darating yung 600,000 na bakuna mula sa bansang China ito yung Sinovac; salamat po sa donasyon ng bansang Tsina, sa ating gobyerno at importante may makita na ang publiko na nag-uumpisa na yung vaccine rolloiut,” ani Go.
Mamayang hapon, inaasahang lalapag sa Villamor airbase sa Pasay City ang eroplanong naghatid ng mga bakunang Sinovac at personal itong sasalubungin ni Pangulong Duterte.
Habang bukas naman, araw ng Lunes darating na rin sa bansa ang mga bakunang nagmula naman sa Covax facility na AstraZeneca.
Kaya lang medyo natagalan dahil maraming kino-comply ang ating gobyerno with FDA dahil tinitingnan nila yung safety at bisa nito dahil useless naman kung darating yung bakuna kung hindi ito safe. Uunahin muna natin yung safety at efficacy ng bakuna na darating sa ating bansa bago natin simulan ang rollout,” ani Go.