Pinaghandaan ng gobyerno ang pagdating sa New Clark City ang mahigit 400 Pilipino na inilikas mula sa MV Diamond Princess.
Nabatid na mayroong kani-kaniyang kuwarto ang bawat ika-quarantine na Pinoy at kada kuwarto ay mayroong kama, comfort room, telebisyon at refrigerator.
Sinabi ng Department of Health (DOH) na nais nilang maging feel at home ang mga inilikas na Pinoy sa loob ng 14-day mandatory quarantine period.
Bukod sa DOH at Department of Foreign Affairs (DFA) teams na sumundo sa mga inilikas, mayroon pang medical response team ang DOH sa New Clark City quarantine facility na regular na susuri sa mga Pinoy.