Inaantabayanan na ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang delivery ng sniper rifles mula sa Estados Unidos na inaasahang magpapalakas sa kanilang fighting capability laban sa mga terorista.
Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na 60 Barrett sniper rifles ang nakatakdang mai-deliver sa Mayo.
Bukod dito, sinabi ni Lorenzana na target din niyang makabili ng Russian-made sniper rifles para sa AFP at kinakailangan pang sumailalim sa procurement process.
By: Meann Tanbio