Tumaas ng 14.43 percent ang tourist arrivals sa bansa sa kabila ng deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre, nakapagtala sila ng 2.882-million visitors mula Enero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon kumpara sa 2.519 million sa kaparehong period noong 2016.
Sinabi ni Alegre na ang pagtaas ng tourist arrivals ay bunsod ng pinaigting na marketing efforts at pagdaraos ng international events sa bansa kabilang na ang ASEAN o Association of Southeast Asian Nations Summit.
By Meann Tanbio
Tourist arrivals sa bansa mas mataas ngayong taon—DOT was last modified: July 7th, 2017 by DWIZ 882