Personal na tatanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 600,000 dose ng bakuna kontra COVID-19 na likha ng Sinovac na nakatakdang dumating sa bansa sa linggo, ika-28 ng Pebrero.
Ito ay ayon kay Senador Christopher Bong Go kung saan kanyang sasamahan aniya ang Pangulo sa gaganaping simpleng turnover ceremony.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang presensiya ni Pangulong Duterte sa pagdating ng bakuna ng Sinovac ay bilang pagtanaw ng utang na loob sa donasyon ng China.
100,000 sa 600,000 dose ng darating na bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac ang nakalaan na sa militar.