Minaliit ng Liberal Party (LP) ang pagdawit ni dating Metro Rail Transit (MRT) General Manager Al Vitangcol kay Presidential Candidate Mar Roxas sa kinakaharap niyang kaso sa Sandiganbayan na may kaugnayan sa katiwalian sa MRT.
Ayon kay DOTC Secretary Jun Abaya, isa sa mga opisyal ng LP, naunawaan nila na ginagawa lahat ni Vitangcol ang mga paraan upang malusutan ang kanyang kaso.
Kung tutuusin aniya, hindi naman patungkol sa katiwalian sa MRT ang isyu laban kay Vitangcol kundi ang kabiguan nitong ipagbigay-alam sa kinauukulan ang relasyon niya sa isa sa mga contractors ng MRT.
“Yung tanging isyu lang naman kay Mr. Vitangcol sa ifi-nile na kaso sa kanya ng Ombudsman was yung relationship niya na hindi niya i-dineclare sa kanyang uncle in law, otherwise yung procurement process, ako mismo sinabi ko sa Ombudsman sa affidavit namin na maayos, regular at nasunod namin ang batas dito, nagkataon lang na siya lang ang may kamag-anak.” Paliwanang ni Abaya.
By Len Aguirre | Ratsada Balita