Nagpaliwanag ang DOTR o Department of Transportation kung bakit idinawit sa isinampa nilang kasong plunder sa Ombudsman ang iba pang miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Benigno Noynoy Aquino III.
Ayon kay DOTR Legal Affairs and Procurement Undersecretary Reinier Yebra, ito’y dahil miyembro ng government policy board ang mga kinasuhan nilang dating miyembro ng gabinete na anila’y nagpabaya sa kabila ng malinaw na iregularidad sa pinasok nitong kontrata.
Magugunitang kasama sa mga sinampahan ng plunder case ng DOTR sina dating DILG Sec. Mar Roxas, dating Finance Sec. Cesar Purisima, dating Budget Sec. Butch Abad, dating DOST Sec. Mario Montejo, dating Energy sec. Jericho Petilla, dating NEDA Sec. Arsenio Balisacan at dating DPWH Sec. Rogelio Singson.
Gayunman, sinabi ni Yebra na malaki rin ang pananagutan ni Roxas dahil bilang dating kalihim ng DOTC mula 2011 hanggang 2012, pinangunahan nito ang pagpapatalsik sa orihinal na service provider ng MRT na Sumitomo para ipalit joint venture ng Cb&T at PH-Trams na ayon sa S.E.C o Securities and Exchange Commission ay isang bogus o non existent.