Kinontra ni Caloocan City Police Chief Senior Superintendent Jemar Modequillo ang pagdadawit sa mga Pulis – Caloocan sa pagpatay kay Reynaldo ‘Kulot’ de Guzman.
Sinabi ni Modequillo na interpretasyon lamang ng mga ebidensya ang naging pahayag ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Percida Acosta na ang pagpatay kay Kulot ay posibleng tangkang cover up lamang sa nangyaring pagpaslang kay Carl Angelo Arnaiz.
Ayon pa kay Modequillo, hindi naman nakita sa Caloocan si Kulot na unang naispatan sa Cainta at huling nakita sa Nueva Ecija.
Binigyang diin ni Modequillo na hindi na dapat makaladkad ang mga Pulis – Caloocan sa pagkakapaslang kay Kulot.