Ikinokonsidera ng World Health Organization (WHO) ang pagde deklara ng Public Health Emergency of International Concern (PHEIC) sa gitna ng 2019 novel coronavirus outbreak.
Tinukoy sa 2015 International Heath Regulations na maaring magdeklara ng PHEIC kapag mayroong severe disease na maaring maglagay sa panganib sa kalusugan ng publiko.
Kapag naideklara ang public health emergency, maaring magpatupad ang mga bansa ng ban laban sa mga dayuhan na mula sa bansang pinagmulan ng outbreak.
Una nang idineklara ang PHEIC nuong april 2009 dahil sa swine flu, nuong 2014 dahil sa wild poliovirus, 2014 hanggang 2016 at nuong 2018 dahil sa ebola outbreak at nuong 2015 hanggang 2016 dahil sa zika virus.
Ang 2019 novel corona virus ay nagmula sa Wuhan, China at kumalat na sa mahigit 20 bansa sa mundo.