Isinusulong ng isang mambabatas ang pagdedeklara ng localized state of health emergency sa gitna na rin ng tumataas na banta ng sakit na polio sa publiko.
Kasunod naman ito ng panibagong kumpirmadong kaso ng polio na naitala sa basilan.
Ayon kay House Deputy Majority Floor Leader at Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera Dy, kinakailangan na ng mas agresibo at aktibong hakbangin para mapigilan ang pagkalat ng polio virus.
Kabilang aniya rito ang pagdedeklara ni Health Secretary Francisco Duque III ng localized state of health emergency.
Kahapon, Nobyembre 25, nagsimula ang ikalawang round ng sabayang patak kontra polio ng Department of Health (DOH) sa NCR at bahagi ng Mindanao na tatagal hanggang Disyembre 7.