Uubrang magdeklara ng martial law ang Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon ito kay Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo.
Nilinaw ni Panelo na ang pakahulugan ng invasion bilang nakasaad na dahilan sa ilalim ng 1987 constitution sa pagdedeklara ng batas militar ay nag-evolve na at hindi na lamang ito para sa paggamit ng armadong puwersa para umukupa ng isang bansa.
Ang invasion aniya ay maaari na ring tumukoy sa pagpasok ng isang sakit na malilipat o makakahawa sa sa iba tulad ng nangyayari ngayon dahil sa COVID-19 pandemic.