Sinagot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banat sa kaniya ng mga kritiko hinggil sa pagdideklara ng Martial Law sa Mindanao
Sa panunumpa ng mga bagong talagang opisyal ng pamahalaan sa Malakaniyang kahapon, sinabi ng Pangulo na dapat makinig ang kongreso sa mga sundalo at pulis kung may pangangailangan pang palawigin ang nasabing deklarasyon
Ayon sa Pangulo, hindi lamang ang grupong ISIS ang kinahaharap ngayon ng pamahalaan kundi maging ang iba’t ibang lawless elements
Muling binigyang diin ng Pangulo na hindi siya nagmamadaling ideklara ang batas militar sa Mindanao kundi batay ito sa mga impormasyong ipinarating sa kaniya na para sa kaniya’y nangangailangan ng agarang solusyon
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping