Nangatwiran si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdedeklara ng martial law sa Mindanao.
Sa kanyang ikalawang SONA o State of the Nation Address, sinabi ng Pangulo na ang deklarasyon ng martial law ang siyang pinaka-mabisang paraan para durugin ang rebelyon at ang banta ng terorismo sa Marawi City at Mindanao Region.
Pinag-aralan aniya niya ang deklarasyon ng batas militar bago niya ito nilagdaan.
Ayon sa Pangulo, sa pamamagitan nito ay magagamit niya ang lahat ng institutional tools ng pamahalaan sa ilalim ng saligang batas.
Muli ring pinasalamatan ng Pangulo ang mga miyembro ng militar at pulisya na hanggang ngayon ay nakikipaglaban sa Marawi City dahil sa ipinamalas nilang katapangan ay hindi na kumalat ang banta ng terorismo sa iba pang bahagi ng bansa.
By: Meann Tanbio
Pagdedeklara ng ML sa Mindanao binigyang katwiran ng Pangulo was last modified: July 25th, 2017 by DWIZ 882