Inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na magdeklara ng National State of Calamity bunsod ng bagyong Paeng.
Ayon kay NDRRMC Executive Director and Office of Civil Defense Administrator, Raymundo Ferrer, may 17 regions na may kabuuang higit 21,000 na barangay ang mabilis maapektuhan ng bagyo.
Sinabi pa nito na umabot na sa 48 ang bilang ng nasawi, 40 ang sugatan habang 22 ang nawawala sa regions 6, 12 at BARMM.
Samantala, inatasan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways na linisin ang mga kalsada na hindi madaanan at maglagay ng mga pansamantalang tulay tulad ng bailey para mapadali ang paghatid-tulong, medikal at rescue mission. –-mula sa panulat ni Jenn Patrolla