Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang pagdedeklara ng national epidemic.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, ito ay para tugunan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa bansa.
Nakatakda aniya silang makipagpulong sa health cluster ng National Disaster Risk Reduction and Management Council para sa posibilidad ng pagdeklara ng national epidemic.
Nagdeklara noong Hulyo 15 ang doh ng national dengue alert dahil sa mabilis na pagdami ng kaso ng sakit sa ilang rehiyon.