Pumayag nang magdeklara ng State of Public Health emergency si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ni Senador Bong Go matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na nagkaroon na ng local transmission ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Wala pang pahayag ang Malakanyang hinggil sa naturang isyu.