Naniniwala si dating Agriculture Secretary Manny Piñol na hindi pa kailangang magdeklara ni Pangulong Bongbong Marcos ng State of Calamity o Emergency sa gitna ng nagbabadyang Global Food Crisis.
Tugon ito ni Piñol, Food Security Adviser ni National Security Adviser Clarita Carlos sa hirit ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Incorporated kay PBBM na magdeklara ng Nationwide State of Calamity.
Ayon sa dating Kalihim, nasa Pangulo ang lahat ng kapangyarihan at marami pa namang pwedeng paraang maaaring ilatag upang tugunan ang nagbabadyang problema.
Samantala, malaking tulong din anya sa produksyon at pagpapataas ng supply ang food terminal incorporated.