Pinag-aaralan ng provincial government ng Pangasinan ang pagdedeklara ng state of calamity dahil sa African Swine Fever (ASF).
Ayon sa provincial veterinary, nasa 12 bayan at tatlong syudad sa probinsiya ang apektado na ng naturang sakit.
Sa katunayan ay nagpatupad na ng lockdown sa Lingayen.
Kaugnay nito, hinikayat ng pamahalaang panlungsod ang mga hog raiser na sa halip na itago ay isuko na ng mga ito ang kanilang mga alagang baboy para maiwasan ang pagkalat pa ng naturang sakit.
Noong Enero, una nang isinailalim sa state of calamity ang Binmaley, Pangasinan dahil sa ASF.