Isinulong na ni Mayor Romulo Festin ng San Jose, Occidental Mindoro ang pagdedeklara ng state of calamity sa kaniyang nasasakupan matapos bayuhin ng Bagyong ‘Ursula’.
Sinabi sa DWIZ ni Festin na ipinatawag na niya ang ibang opisyal ng kanilang bayan para maideklara ang state of calamity ditto.
Ipinabatid ni Festin na labis na sinalanta ng Bagyong ‘Ursula’ ang kanilang bayan at nagpapasalamat naman sila dahil walang nasawing constituent niya.
Ayon pa kay Festin, matinding danyos din ang inabot ng kanilang power supply at maging ang komunikasyon sa kanilang bayan matapos manalasa ang Bagyong ‘Ursula’.
Sa ngayon aniya ay inaalam na nila kung magkano ang danyos ng Bagyong ‘Ursula’ sa sektor ng agrikultura sa kanilang bayan.
Buti wala namang buhay na nakuha, puro property lang, at ‘yung mga bahay nagliparan ng yero,” ani Festin. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas