May paraang nakikita ang National Economic and Development Authority para bawasan ang epekto ng inflation sa harap ng inaasahang epekto sa presyo ng mga bilihin at serbisyo ng pananalasa ng bagyong Ompong.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, malaki ang maitutulong ng pagdedeklara ng state of calamity sa mga lugar na sinalanta ng nagdaang bagyo.
Sa ngayon sinabi ni Pernia na di pa tiyak ang direktang epekto bagyong Ompong sa presyuhan ng mga bilihin ngunit malaking bagay ang pagdedeklara ng state of emergency para makontrol ang presyo ng mga bilihin.
Sa taya ng Department of Agriculture, tinatayang nasa mahigit labing anim na bilyong piso ang pinsalang idinulot ng bagyong Ompong sa sektor ng Agrikultura.