Isinumite na ng Agriculture Department ang rekomedasyon nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na mag-deklara ng state of emergency para matugunan ang banta ng African Swine Fever (ASF).
Ito mismo ang kinumpirma ni Agriculture Secretary William Dar.
Sang-ayon sa naturang rekomendasyon, ang pagdedeklara ng state of calamity ukol sa ASF ay para bigyang daan ang pagpapatupad ng biosecurity measures para mapigil ang pagkalat pa ng virus.
Pati na rin ang pagkakasa sa rehabilitasyon ng hog industry.
Oras namang maideklara ito, maaari nang magamit ang quick response fund na naka-standby na pondo para sa mga relief and recovery program sa tuwing may mga hindi inaasahang pangyayari.
Mababatid na ang problema sa ASF ay siyang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng problema sa suplay ng mga karneng baboy sa mga pamilihan dahilan para tumaas ang presyo nito.