Hinimok ng Senado ang pamahalaan na magdeklara ng State of Emergency dahil sa patuloy na pagsirit nga African Swine fever o ASF na pumipeste sa mga baboy.
Ayon kay Sen. Cynthia Villar, Chairman ng Senate Committee on Agriculture, kung magkakaroon ng state of emergency, maglalaan ang pamahalaan ng pondo na magbibigay tulong sa mga magbababoy na mapipilitan na ipapatay ang kanilang alaga dahil may ASF ito.
Ipinabatid naman ni Agriculture Secretary Ariel Cayanan, nagpapaabot sila ng ayuda para sa mga baboy na nagkakasakit.
Ngunit sinabi ni Villar na hindi ito sapat dahil sa mabagal na pamimigay.
Una ng sinabi ng Department of Agriculture o DA na maglalaan sila ng 28 bilyong pang tulong sa mga magbababoy dahil sa ASF.— sa panulat ni Rashid Locsin