Mahalagang magdeklara na si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of national emergency sa gitna ng nadaragdagang kaso ng mga tinatamaan umano ng severe dengue matapos bakunahan ng dengvaxia.
Ayon kay Presidential Anti-Corruption Commission at Volunteers Against Crime and Corruption o VACC Chairman Dante Jimenez, dapat pag-aralang maigi ang hirit nilang state of emergency lalo’t hirap ang mga biktima na magpa-gamot sa mga ospital.
Nakatatanggap aniya sila ng mga reklamo mula sa mga magulang ng binakunahan na ilang ospital ang tumatangging gamutin ang kanilang mga anak.
“Dapat libre itong dengvaxia kasi vaccination ito ng gobyerno, although the past administration ito, nahihirapan po yung ating mga nakaka-usap na biktima na magpatingin man lamang, may mga private hospitals na ayaw tumanggap, ang mga pasyente sa NCR pumunta kayo sa mga ospital kahit sabihing kayo ay tanggihan, i-report niyo ngayon sa DOH at local government units kasi sa LGU meron nang nag-umpisang tumanggap ng libre, I salute the Muntinlupa LGU.” Pahayag ni Jimenez
Ratsada Balita Interview